Thesis Tungkol Sa Wikang Ingles

IPINATUPAD ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No.210 noong Marso 17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Tags: Www.Educationcity.Com HomeworkBusiness Development Plan ExampleAnorexia Vs Bulimia EssaysDissertation Help ServiceTraining For Customer Service Specialists Case StudyCritical Thinking Tests OnlineResearch Paper Topic Ideas For College Students

Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.

Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga asignaturang matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong baitang ng paaralang primarya.

Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon, ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pang-ekonomiya.

Sa halip, mahalaga ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang paligid.

Mahalagang matutuhan ang wikang Ingles, ngunit higit na mainam kung ang mga mag-aaral ay tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal na wikang kanilang nakasanayan sapagkat madali nilang maiintindihan ang mga aralin gamit ang mga ito.

Naipakita na ito sa mga pag-aaral, gaya ng ginawa ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang 1954 kung saan higit na natuto ang mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na wikang panturo.Sa kabilang banda naman, hindi maikakailang may pakinabang rin sa mga estudyante ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles.Bukod sa lumalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa daigdig, nakatutulong ang pagkatutong gumamit ng wikang Ingles lalo na’t ito ang wikang ginagamit sa larangan ng komersyo at agham.Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks.Ayon sa karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino.Aniya, “Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wika at panitikang Filipino.” Batay naman sa aking karanasan, higit kong nauunawan ang mga itinuturo ng aking mga propesor kung ipinapaliwanag nila sa wikang Filipino ang mga mahihirap na aralin.Higit rin akong malayang nakapagpapahayag ng aking mga paliwanag o saloobin sa klase kapag pinahihintulutan akong magsalita sa nakasanayan kong wika.Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang pagpapatupad ng dalawang kautusang ito.Ayon sa isang petisyong isinampa ng mga grupong nagsusulong sa wikang Filipino, sa pangunguna ng Wika ng Kultura at Agham, Inc.(WIKA), labag umano sa Saligang Batas ang dalawang kautusan.Anila, taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV Section 6 ng Saligang Batas, na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa sistema pang-edukasyon.” Dagdag pa ng mga naghain ng petisyon, magiging balakid din ang paggamit ng wikang Ingles sa paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na galing sa mahihirap na pamilya.

SHOW COMMENTS

Comments Thesis Tungkol Sa Wikang Ingles

The Latest from igmk.ru ©